Opening weekend ng “The Marvels”, pinakamahina sa kasaysayan ng Marvel Universe

Opening weekend ng “The Marvels”, pinakamahina sa kasaysayan ng Marvel Universe

MAHINA ang opening weekend ng “The Marvels” at ito na umano ayon sa maraming film critics ang pinakamalala sa buong kasaysayan ng Marvel Cinematic Universe.

Ayon pa sa tansya noon ng The Hollywood Reporter, posibleng aabot sa 60 million hanggang 65 million dollars ang kikitain ng “The Marvels” sa opening weekend.

Subalit sa katunayan, ngayon ay nasa 21.5 million dollars lang ang kita nito.

Mas mababa pa ito kumpara sa opening ng “The Incredible Hulk” noong 2008 na nasa 55.4 million dollars lang.

Nakikitang dahilan ng ilan dito ang kakulangan ng promotion dahil sa nangyayaring kilos-protesta ng screen actors Guild-American Federation of Television and Radio Artists na nagsimula pa noong Hulyo.

Positibo naman na ngayong napagkasunduan nang pagbigyan ang isinusulong na pay hike ng Screen Actors Guild ay mas maipo-promote na ang “The Marvels”.

Ang “The Marvels” ay pinagbidahan ni Brie Larson at tampok din dito si Park Seo-Jun.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble