Operasyon kontra droga sa Leyte nagresulta sa pagwasak ng isa pang drug den

Operasyon kontra droga sa Leyte nagresulta sa pagwasak ng isa pang drug den

ISINAGAWA ng mga tauhan ng Carigara Municipal Police Station (Lead Unit) kasama ang PDEA VIII Regional Special Enforcement Team ang isang buy-bust operation na nagresulta sa pagbuwag ng isang drug den sa Brgy. Barugohay, Norte Carigara, Leyte nitong Pebrero 16, 2025.

Kinilala ang mga naarestong suspek na sina alyas Pekto (tagapamahala ng drug den), alyas Pong at alyas Paolo.

Nakumpiska mula sa mga nahuling suspek ang walong sachet ng hinihinalaang shabu na may timbang na humigit-kumulang 10 gramo at tinatayang may halagang aabot sa halos P70K, kasama ang iba’t ibang drug paraphernalia.

Ang mga nahuling suspek ay nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 at kasalukuyang nakadetine para sa karagdagang disposisyon.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble