Operasyon laban sa mga CTGs, sentro ng mga kasundaluhan ngayong Kapaskuhan

Operasyon laban sa mga CTGs, sentro ng mga kasundaluhan ngayong Kapaskuhan

SA halip na magbakasyon, nangako ang mga tauhan ng 5th Infantry Division na hindi nila tatantanan ang mga nalalabi pang miyembro ng Communist Terrorist Group (CTGs) sa mga lalawigan ng Apayao at Kalinga.

Kasunod ito ng magkakasunod na sagupaan na nangyari sa naturang mga lalawigan nitong buwan lamang.

Muli namang hinikayat ng militar ang publiko na huwag mag atubiling magsumbong sa mga kinauukulan kung may makitang kahina-hinalang kilos at presensiya ng CTGs sa kani-kanilang komunidad.

Sa ngayon patuloy anila ang pagsasanay ng mga bagong sundalo ng 103rd IB bilang dagdag-pwersa sa nagpapatuloy na pagtugis sa mga miyembro ng makakaliwang kilusan at iba pang kalaban ng gobyerno.

Follow SMNI NEWS in Twitter