Operasyon ng AFP, nais paigtingin ni Pastor Quiboloy sa pamamagitan ng panukalang ‘Joint Operations Command’

Operasyon ng AFP, nais paigtingin ni Pastor Quiboloy sa pamamagitan ng panukalang ‘Joint Operations Command’

SA harap ng mga pagsubok sa pambansang seguridad, inihayag ng founder ng Kingdom of Jesus Christ, Pastor Apollo C. Quiboloy, na kasalukuyang tumatakbo bilang senador, ang kaniyang plano upang palakasin ang koordinasyon ng mga sangay ng Armed Forces of the Philippines (AFP) sa pamamagitan ng isang panukalang batas na magtatatag ng “Joint Operations Command” (JOC).

Ayon kay Pastor Apollo, layunin ng JOC na mapalakas ang operasyon ng AFP sa pamamagitan ng isang mas malinaw na sistema at mas epektibong pagtutulungan ng Army, Navy, at Air Force.

Sa isang panayam sa kaniyang tagapagsalita na si Atty. Kaye Laurente, inilahad ng Butihing Pastor na ang pagtatag ng JOC ay magpapahusay sa kakayahan ng AFP na magbigay ng agarang tugon sa mga banta sa pambansang seguridad, lalo na sa mga lugar na kadalasang apektado ng kalamidad at sa mga hamong may kaugnayan sa maritime zone.

“Although may mga existing laws, rules and regulations na tayo katulad ng RA 7898 po para sa AFP Modernization Act at RA 10349 para sa amendment of AFP modernization act. Ito ang gustong i-amiyenda ni Pastor, so, magkakaroon po uli again ng JOC o Joint Operations Command. Wherein it centralizes the command across all branches of the AFP,” pahayag ni Atty. Kaye Laurente, Spokesperson, Senatorial Aspirant Pastor Apollo C. Quiboloy.

Maliban sa pagpapalakas ng operasyon sa mga lugar na may mataas na panganib, tulad ng mga disaster-prone regions at maritime zones, layunin din ng JOC na magsagawa ng mas mahigpit na monitoring sa mga smuggling routes at magpatibay ng cybersecurity measures upang protektahan ang mga kritikal na infrastructure ng bansa.

“Para sa visibility ng JOC ‘yung category po na Border and Entry Points mahalaga po ‘yun so dapat lalong-lalo na sa mga major ports and airports katulad ng NAIA, andyan ‘yung Subic Bay Freeport, ang Clark International Airport, Cebu International Port, Davao International Airport. Pangalawa po under sa border pa rin ang Known Smuggling Routes for example Zamboanga Peninsula, Sulu Sea crossing points, Balut Island Area at Sarangani Bay at pang-apat po para sa ating JOC na mga command centers ay ‘yung Cybersecurity Centers katulad ng Critical infrastructure ng Metro Manila cyber facilities, andyan din po ‘yung Clark Special Economic Zone data centers, at Cebu IT Park at Davao cyber corridors. So ‘di ba komprehensibo talaga kapag mag-isip si Pastor, kapag sinabi ni Pastor paano mo malaman na may wisdom ang pagka-plano ng isang bill or ng isang solusyon dapat masagot mo ‘yung who, what, where, when, why, how. So, ganun po magplano si Pastor hindi lang po suntok sa buwan kung nakikita niyo po,” dagdag ni Laurente.

Kaugnay rito, upang maisakatuparan ito, ipinanukala ni Pastor Apollo na itatag ang JOC sa ilalim ng Department of National Defense (DND).

Magkakaroon din ng mga standard operating procedures (SOP) para sa pinagsamang operasyon ng Army, Navy, at Air Force. Sakaling maging batas, tutukan din nito ang pagkakaroon ng joint tactical operation exercises.

Ang JOC ay ipinatutupad na sa maraming bansa, kabilang ang Estados Unidos, United Kingdom, at Australia, upang palakasin ang kanilang armadong puwersa.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter