Operasyon ng DFA Consular Office sa Cebu, pansamantalang sinuspendi

PANSAMANTALANG sinuspendi ng Department of Foreign Affairs ang mga operasyon sa consular office nito sa Cebu ngayong araw, Pebrero 26.

Ito ay para magsagawa ng disinfection sa opisina ng nasabing ahensiya at bigyang daan ang iba pang paraan sa pag-iwas sa panganib ng coronavirus disease 2019.

Nakatakda namang magbalik-operasyon ang ahensiya sa Marso 1, Lunes.

Pinaalalahanan ang mga apektadong aplikante na may kumpirmadong appointments na kumuha muli ng iba pang appointment sa pamamagitan ng pag-email sa CO Cebu sa cebu.rco@dfa.gov.ph na may sumusunod na impormasyon: Pangalan, Araw ng kapanganakan, Orihinal na appointment petsa at oras, Piniling petsa at oras ng bagong appointment.

Sinabi ng DFA na ang piniling petsa ng bagong appointment ay anumang araw ng working day mula Marso 1 hanggang 25 sa regular na oras ng operasyon mula 10 AM hanggang 4 PM.

Para naman sa mga aplikante na kailangan ng emergency o urgent consular services ay maaaring kumontak sa email ng CO Cebu sa cebu.rco@dfa.gov.ph.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published.