Operasyon ng Grab Philippines, suspendido kasunod na enhanced community quarantine

SINUSPINDE na ng Grab Philippines ang lahat ng kanilang serbisyo sa gitna ng ipinatutupad na enhanced community quarantine ng gobyerno sa Luzon upang mapigilan ang pagkalat ng COVID-19.

Sa Facebook post ni Head Ph Brian Cu, sinabi nito na simula ngayong araw ay hindi na gumagana ang kanilang  GrabCar, GrabTrike, GrabFood, GrabExpress, at iba pang services.

Sinabi rin ni CU na nakikipag-ugnayan na sila sa mga otoridad kaugnay sa public health situation at kung paano sila makatutulong sa kanilang driver’s community.

Una nang sinuspinde ng Grab ang kanilang grab share services bilang suporta sa “social distancing” na ipinatutupad ng gobyerno.

Simula alas-dose ng hatinggabi ngayong araw ay ipinatupad na ng DOTr ang suspensyon sa lahat ng operasyon ng pampublikong sasakyan bilang pagtalima sa ipinatutupad na quarantine.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published.