SA ating mga mananakay ng LRT-1, temporaryo munang sususpindehin ng Light Rail Manila Corporation ang operasyon ng LRT-1 ngayong Holy Week.
Ang pagsuspinde ng operasyon ay para pagbigyan ang maintenance activities ng linya maging ang pagsasagawa ng testing sa nagpapatuloy na LRT-1 Cavite extension project.
Magsisimula ang closure ng train service sa March 27 at magtatagal ito hanggang March 31.
Available parin naman sa March 25 hanggang March 26 ang LRT-1 at ang last trip mula Baclaran ay aalis ng 10 gabi habang 10:15 ang mula sa Fernando Poe Jr. Station.
Sa April 1 ay balik-operasyon na simula 4:30 ng umaga.