Operasyon ng LRT-1 tuwing weekdays pinalawig na rin

Operasyon ng LRT-1 tuwing weekdays pinalawig na rin

INANUNSIYO ng Light Rail Manila Corporation ang bagong schedule ng biyahe para sa tren sa LRT-1.

Epektibo simula ngayong araw, Marso 26, 2025, ay palalawigin na ang oras ng operasyon ng LRT-1 tuwing weekdays.

Ang huling biyahe mula Dr. Santos Station ay aalis ng 10:30PM kumpara sa noo’y 10:00PM. Ang huling biyahe mula Fernando Poe Jr. Station ay aalis na ng 10:45PM o mas mahaba na rin mula sa dating 10:15PM.

Wala namang pagbabago sa unang biyahe mula sa Dr. Santos at Fernando Poe Jr. Stations. Ibig sabihin, aalis pa rin ito ng 4:30AM sa weekdays at 5:00AM sa weekends at holidays.

Ang hakbang ay bilang suporta sa panawagan ng Department of Transportation na pahabain ang serbisyo para sa kapakinabangan ng publiko.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble