Operasyon ng militar laban sa mga rebelde sa Sultan Kudarat, pinuri

Operasyon ng militar laban sa mga rebelde sa Sultan Kudarat, pinuri

PINURI ang tropa ng 7th Infantry Battalion matapos ang matagumpay na serye ng operasyon upang tuluyang malupig ang mga rebelde sa Bagumbayan, Sultan Kudarat.

Nabatid na naka-engkwentro ng mga sundalo ang tinatayang 10 rebelde sa Sitio Sandigan at Sitio Mudti sa Barangay Chua.

Tumagal ng 24 minuto ang engkwentro na nagresulta sa pagkasawi ng 6 na rebelde kabilang ang kinilalang si Dennis Dolunan, alyas Kalbo, executive committee member, deputy secretary ng East Daguma Front remnants ng Sub-Regional Command (SRC) Daguma, Far South Mindanao Region (FSMR).

Nasamsam sa lugar ang isang AK47, tatlong M16 rifle, mga bala, dokumento at iba pang gamit.

Kaugnay nito, pinaigting ng militar ang kanilang operasyon laban sa mga tumakas na mga rebelde.

Nanawagan si 6th Infantry Division at Joint Task Force Central Commander Major General Roy Galido sa mga natitirang rebelde na magbalik-loob at tanggapin ang ibinibigay na programa ng gobyerno.

Follow SMNI NEWS in Twitter