Operasyon ng militar sa mga kalaban ng estado sa Northern Samar, pinuri ng AFP chief

Operasyon ng militar sa mga kalaban ng estado sa Northern Samar, pinuri ng AFP chief

PINURI ni AFP chief of staff Lieutenant General Bartolome Vicente Bacarro ang militar sa matagumpay na operasyon laban sa mga rebelde sa Barangay Imelda, Las Navas, Northern Samar.

Ito ay kasabay ng pagbisita niya sa headquarters ng 803rd Infantry Brigade sa Barangay Sumoroy, Catarman, Northern Samar kahapon.

Nabatid na kabilang sa nasawi sa engkwentro si Helenita Pardales, kilalang lider ng Eastern Visayas Regional Party Committee (EVRPC) ng CPP-NPA-NDF.

Habang nasawi rin ang lima pang matataas na opisyal ng grupo at nakumpiska ang ilang armas.

Tiniyak ni Bacarro sa mga sundalo na patuloy silang susuportahan ng AFP General Headquarters habang sinisikap na mawakasan ang armadong pakikibaka ng mga rebelde.

Follow SMNI NEWS in Twitter