Operasyon ng NAIA Terminal 3, hindi maapektuhan sa gitna ng maintenance activities

Operasyon ng NAIA Terminal 3, hindi maapektuhan sa gitna ng maintenance activities

HINDI apektado ang operasyon ng terminal 3 ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) kahit pa nagsasagawa ito ng maintenance activities simula Abril 2 hanggang Mayo 28, 2024.

Sinabi ng Manila International Airport Authority (MIAA), maingat na pagplano ang kanilang ginawa para hindi maapektuhan ang operasyon lalo na sa peak hours.

Paglilinaw pa nito na ang window hours ng maintenance work ay mula 12:01 hanggang 3:00 ng madaling araw.

Mayroon din itong nakahandang generator sets sakaling magkaroon ng emergency habang nagsasagawa ng maintenance works.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble