Operasyon ng Private Motor Vehicle Inspection Centers, iligal ayon sa isang mambabatas

KINUWESTYON ng ilang kongresista ang legalidad ng Private Motor Vehicle Inspection Centers o PMVICs na magsagawa ng motor vehicle inspection.

Mabatid na ito ang nagpapahirap sa mga motorista sa pagpaparehistro ng sasakyan dahil sa mahal na singil nito na umaabot sa P1, 800.

Bukod sa mahal, may bayad din ang re-test fee para sa mga sasakyang bumagsak sa unang test.

Sa pagdinig ng House Committee on Transportation ngayong araw, sinabi ng mga mambabatas na dapat dumaan sa review ng Investment Coordination Committee o ICC sa pangunguna ng NEDA ang lahat ng government projects na may halagang P2.5-Billion pataas.

Kung susumahin ang presyo ng lahat ng 138 operational PMVICs sa bansa- higit sa P8-B ang halaga nito kung saan bawat PMVIC ay nagkakahalaga ng P65 milyon.

Dahil ditto ay dapat anilang dumaan sa review ng ICC ang PMVICs.

Kinuwestyon rin ni Rodriguez ang karapatan ng DOTr na magpatupad ng police power sa ilalim ng isang nationwide vehicle inspection?

Dapat ang lehislatura ayon kay Rodriguez ang magsasalin ng police powers bago makapaglunsad ng inspeksyon ang DOTr.

Nanindigan naman ang DOTr na may mga batas na nagbibigay sa kanila ng karapatan na ipatupad ang overall motor vehicle inspection kung saan idinepensa din nito ang kanilang pagby-pass sa ICC review.

Bukod sa legality, nakuwestyon rin ang LTO sa isyu ng necessity o ang pangangailangan na maipatupad ang ganitong sistema.

Dahil dito, nanindigan si LTO Chief Asec. Edgar Galvante na hindi lamang sa Pilipinas nagpapatupad ng motor vehicle inspection.

Samantala, dahil nga sa pandemya, panawagan ng komite sa DOTr at sa operators ng PMVIC na tanggalin na muna ang retest- fee.

Magkakaroon muli ng hearing ang komite hinggil sa isyu sa mga susunod na araw.

Nilinaw naman ng mga  operator na hindi P1, 800 kundi P1,500 lamang ang kanilang singil sa vehicle inspection.

Nanindigan rin sila na naaayon sa batas at sa superbisyon ng LTO ang kanilang operasyon.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published.