KINUMPIRMA ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) na balik-normal na ang operasyon sa Tacloban Airport.
Ito’y matapos pansamantala isinara ang Runway 18/36 ng paliparan dahil sa ginagawang aspalto nitong Miyerkules.
Ayon sa CAAP, alas 5:30 Miyerkules ng hapon muling bumalik ang operasyon ng Tacloban Airport.
Matatandaan, naglabas ng Notice to Airmen ang CAAP na nagsasaad na isasara ang operasyon ng Tacloban Airport na nagsimula pasado alas tres ng umaga hanggang alas kuwatro ng hapon araw ng Miyerkules dahil sa emergency na inayos ang aspalto ng runway ng paliparan.