Operasyon sa paliparan sa natapos na Semana Santa, naging maayos—BI

Operasyon sa paliparan sa natapos na Semana Santa, naging maayos—BI

INIHAYAG ng Bureau of Immigration (BI) na naging maayos ang kanilang operasyon nitong nagdaang Semana Santa.

Ayon kay Immigrations Commissioner Norman Tansingco, hindi nagkaroon ng aberya sa mga paliparan sa kabila ng pagdagsa ng mga daang libong pasahero.

Naging maayos din aniya ang deployment ng mga manggagawa nito sa lahat ng paliparan.

Matatandaan naman na nasa 35 officers ang kanilang idinagdag nitong Semana Santa para maasiste ang mga pasahero.

Ayon sa BI, dumaan aniya ang mga ito sa sapat na pagsasanay bago idineploy para maging handa sa anumang sitwasyon.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter