Operation Timbang Plus para sa mga bata sa Las Piñas, aarangkada bukas!

Operation Timbang Plus para sa mga bata sa Las Piñas, aarangkada bukas!

BATA bata, magpatimbang ka na, OPT Plus bukas na! Ito ang panawagan ng local government ng Las Piñas City sa mga batang edad 0 hanggang 59 na buwan o bago mag 5 taong gulang.

Ang nasabing programa ay isang taunang gawain mula Enero hanggang Marso na kung saan kinukuha ang timbang at sinusukat ang haba o taas ng mga bata.

Malalaman dito ang bilang ng mga kulang sa timbang, payat, bansot at sobra sa timbang at kung saan sila makikita upang mabigyan ng tamang nutrition intervention.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter