Operators ng colorum na mga sasakyan, nasa P1-M ang multa—DILG

Operators ng colorum na mga sasakyan, nasa P1-M ang multa—DILG

NASA P1-M ang multa ng operators ng mga colorum na sasakyan ayon sa Department of the Interior and Local Government (DILG).

Ito’y para mas maipatupad pa ang batas laban sa mga hindi awtorisadong public transport vehicles na nagpapalala ng traffic sa Metro Manila.

Bagamat first offense pa lang ang naturang multa ay maaari namang ipawalang-bisa ang certificate of public convenience; madiskwalipika at ilalagay sa blacklist ang lahat na authorized units ng operator; ipawalang-bisa rin ang registration ng lahat na authorized units ng operator.

Nitong Abril 18 ay lumagda ang DILG, Department of Transportation at Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ng isang kasunduan tungo sa mas pinaigting na pagpapatupad ng batas hinggil sa mga colorum na sasakyan.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble