Opisyal ng Pharmally, tila ginagawang hostage sa pagdinig ng Senate Blue Ribbon- Pharmally official

Opisyal ng Pharmally, tila ginagawang hostage sa pagdinig ng Senate Blue Ribbon- Pharmally official

TILA ginagawang hostage sa pagdinig ng Senate Blue Ribbon ang mga opisyal ng Pharmally ito’y ayon sa isang Pharmally official.

Sa isang pahayag na ipinamahagi sa media, sinabi ni Mohit Dargani, isa sa mga opisyal ng pharmally na hindi patas mag-imbestiga ang Senate Blue Ribbon.

Inihayag ng isa sa mga opisyal ng Pharmally pharmaceutical corporation na si Mohit Dargani na bigo ang Senate Blue Ribbon na tratuhin sila ng patas sa pagdinig.

Isa si Mohit Dargani sa napatawan ng contempt at arrest order ng senado kamakailan kasama ang kaniyang kapatid na si Twinkle Dargani na siyang president ng Pharmally.

Sa isang pahayag, ay sinabi nitong gusto silang i-detain ng mga senador dahil hindi aniya makuha ng mga ito ang gusto nilang sagot mula sa kanila.

“The blue ribbon failed to treat us justly. Rather than impartially listening to us, they tried to get us to incriminate ourselves. They want us detained because we asserted our rights, they can’t get what they want to hear from us,”ayon kay Mohit Dargani.

Para aniya sa political survival ng mga senador ngayong nalalapit na ang eleksyon ay tila sila mga hostage ng senado upang sila ay magamit para sa kanilang political gain.

Giit din ni Dargani na walang kinalaman si Pangulong Duterte sa transaksyon ng mga ito sa PS-DBM.

“Walang kinalaman ang Presidente sa transactions namin with PS-DBM. We are being falsely accused for political gain. Malapit na eleksyon and we are like hostages. Hindi na para sa bayan. But for their political survival,”dagdag nito.

Sinabi pa nito na sinubukan nilang makipag kaisa sa pagdinig pero pakiramdam daw nila ay kriminal na sila kung ituring ng mga senador.

“They treat us like criminals whose lives aren’t worthy of living anymore.  We tried our best to cooperate and respect them, but this was completely out of harmony with accepted legal standards,”ayon kay Dargani.

Sa ulat ng Senate Blue Ribbon ay bigo itong mai-serve ang arrest order sa mga Dargani dahil wala na ang magkapatid sa kanilang tinitirhang condominium sa BGC at Greenhills.

SMNI NEWS