PINANGUNAHAN ng COMELEC, DILG, PNP, Philippine Coast Guard at LGU ng Maynila ang pagbabaklas sa mga posters na nakakabit nang wala sa tamang lugar sa Brgy. 128 Smokey Mountain, Maynila.
Personal na nilahukan ang aktibidad nina COMELEC chair Atty. George Garcia, Interior Sec. Benhur Abalos, Usec for Brgy. Affairs Chito Valmocina, Manila City Mayor Honey Lacuna, at NCRPO Chief PBGen. Melencio Nartatez Jr.
Sa ilalim ng Section 9 of Republic Act 9006 a Fair Election Act of 2001, pinapahintulutan lamang ang pagkakabit ng campaign materials sa mga designated areas gaya ng plazas, markets, at barangay centers.
Mariing ibinabala ng COMELEC ang hindi pagsunod sa kautusan na ito para maiwasang ma-disqualify ang isang kandidato.