‘Oplan Baklas’ sa pampublikong lugar, itutuloy ng COMELEC

‘Oplan Baklas’ sa pampublikong lugar, itutuloy ng COMELEC

IPAGPAPATULOY ng Commission on Elections (COMELEC) ang kanilang ‘Oplan Baklas’ laban sa mga campaign poster sa mga pampublikong lugar.

Ito ang nilinaw ni COMELEC Spokesperson James Jimenez sa kabila ng inisyung temporary restraining order (TRO) ng Korte Suprema laban dito.

Ayon kay Jimenez, ipagpapatuloy nila ang pagtanggal at pagkumpiska sa mga illegal campaign paraphernalia na nakalagay sa mga restricted areas sa mga pampublikong lugar.

Habang ititigil naman aniya nila ang pagtanggal ng mga campaign posters na nasa private properties base sa nakasaad sa TRO.

Martes nang mag-isyu ng TRO ang Korte Suprema kasunod ng petisyon ng mga taga-suporta ni presidential candidate at Vice President Leni Robredo.

Follow SMNI News on Twitter