NAGSAGAWA ng “Oplan Galugad” ang pamunuan ng Cagayan Provincial Jail (CPJ) simula kahapon ika-7 ng Hulyo sa Provincial Jail, Carig sa lungsod ng Tuguegarao.
Ito ay para matiyak na walang tinatagong iligal na kontrabando ang mga Person Deprived of Liberty (PDL) sa CPJ.
At upang masuri ang mga in-mates kung sakaling may tinatago ang mga ito na iligal na kontrabando o kagamitan na maaaring magamit ng mga PDL laban sa kanilang kapwa.
Pahayag ni Warden Catalino Arugay, provincial warden ng CPJ, na kanyang sisiguruhin na ang mga panuntunan sa mga piitan ng Cagayan ay mahigpit na ipinapatupad at sino mang lalabag dito ay haharap sa kaukulang parusa.
Dagdag pa ni Arugay, napakahalaga na mapanatili ng pamunuan ng CPJ na walang makakapasok na iligal na kontrabando sa mga pasilidad ng CPJ sa Tuguegarao gayundin sa extension jail sa bayan ng Sanchez Mira.
Tiniyak naman ni Arugay na walang drogang nakita sa mga in-mates ng CPJ sa lungsod ng Tuguegarao.
Nagpa-abot naman ng pasasalamat si Arugay sa pamunuan ng PNP-Cagayan maging sa mga kawani ng PDEA Region 2 sa matagumpay na pagsasagawa ng “Oplan Galugad” sa naturang piitan.
(BASAHIN: Kauna-unahang dated rock art sa Southeast Asia, matatagpuan sa Peñablanca, Cagayan)