“Oplan Ligtas Paskuhan” sa Metro Manila, ikinasa ng NCRPO

“Oplan Ligtas Paskuhan” sa Metro Manila, ikinasa ng NCRPO

“Oplan Ligtas Kapaskuhan” ang panibagong programa ng bagong hepe ng National Capital Region Police Office (NCRPO) para sa nalalapit na pagdiriwang ng Araw ng Pasko sa bansa ngayong taon.

Sa ilalim ng nasabing programa, pupunan ng mga kapulisan ang mga pangunahing lugar gaya ng simbahan, malls, pampublikong merkado, major thoroughfares, at mga terminal ng bus sa buong NCR.

Ayon kay NCRPO Acting Regional Director, PBGen. Anthony Aberin, kanilang titiyakin na magigigng ligtas ang Metro Manila katuwang ang publiko sa pagsusumbong sa mga kahina-hinalang kilos ng paligid.

Ito’y para maiwasang magkaroon ng gulo at maidaos ng mga Pilipino ang Pasko na ligtas ngunit nakaalerto sa mga posibleng iregularidad sa gitna ng masayang pagdiriwang ng Pasko.

“Ensuring a secure and joyous yuletide season is of utmost importance, and as we approach this festive time, NCRPO remains steadfast in its readiness and capability to achieve the peaceful and orderly celebration of Ligtas Paskuhan 2024 in Metro Manila,” saad ni PBGen. Anthony Aberin, Acting Regional Director,j NCRPO.

Bukod sa mga residente, target din ang peace and order approach ng mga kapulisan na maipakitang ligtas ang mga bisita o turista sa Metro Manila habang pinili nilang maging bahagi ng Paskong Pinoy sa bansa.

Nakapuwesto na rin ang iba’t ibang Police Assistance Desks (PADs) sa mga areas of convergence para sa mabilis na pagresponde sa mga emergency cases at potensiyal na banta sa seguridad ng mga tao.

Simula Disyembre 25, inaasahan ang pagsisimula ng malalaking selebrasyon na may kaugnayan sa Pasko bagay na kailangang pagtuunan ng pansin ang seguridad ng publiko.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter

 

y