‘Oplan Metro Alalay Semana Santa’ ng MMDA, ikakasa na ngayong araw

‘Oplan Metro Alalay Semana Santa’ ng MMDA, ikakasa na ngayong araw

IKAKASA na ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang kanilang Oplan Metro Alalay Semana Santa (Oplan M.A.S.S. 2022) simula ngayong araw, Abril 8, 2022.

Sa ilalim ng “Oplan M.A.S.S. 2022,” ng MMDA, kabuuang 2,681 personnel ang ide-deploy simula bukas hanggang sa Abril 18 sa mga pangunahing lansangan, major transport hubs at mga mahahalagang lugar para masiguro ang maayos at ligtas na pagbiyahe ngayong Semana Santa.

Ayon kay MMDA Chairman Romando Artes, malaking bilang ng kanilang mga traffic personnel ay itatalaga sa mga lansangan na patungo sa bus terminals, seaports, airport at mga malalaking simbahan.

Babantayan din ang entry at exit points na palabas at papasok ng Metro Manila gaya ng NLEX, SLEX, coastal road, McArthur Highway, Mindanao Avenue at A. Bonifacio Avenue.

Magtatalaga rin ang ahensya ng traffic enforcers sa mga madalas bisitahin na mga simbahan tulad ng Redemptorist Church sa Parañaque, Sto. Domingo sa Quezon City, San Agustin sa Intramuros at Quiapo sa Manila.

Nagdeklara na rin ang MMDA ng ‘No Day Off and No Absent Policy’ para sa lahat ng kanilang field personnel.

Dagdag pa ni Artes, suspendido rin ang number-coding scheme sa Huwebes Santo (Abril 14) at Biyernes Santo (Abril 15).

Habang naka-stand by naman aniya ang MMDA Roadside Emergency Group para magbigay ng roadside emergency service at assistance sa publiko.

Isasagawa rin ang simultaneous sidewalk clearing operations laban sa mga illegal vendor sa loob ng binisidad ng mga major churches.

BASAHIN: Mahigit 5,000 tourist police, ipakakalat ngayong Semana Santa

Follow SMNI News on Twitter