MAGKAKAROON ng special concert ang apat na OPM hitmakers na sina Marco Sison, Hajji Alejandro, Rey Valera, at Nonoy Zuniga.
Sa anunsiyo ni Valera sa kaniyang Instagram, gaganapin ang one-night show nilang apat sa Disyembre 1, alas otso ng gabi sa The Theatre, Solaire Resort & Casino, Parañaque.
Makakasama ng apat dito bilang guest performer si Pops Fernandez.
Kasama ng orihinal na members ng The Hitmakers si Rico J. Puno hanggang pumanaw ito noong taong 2018.