INANUNSIYO ng OPM artist na si Maki na malapit na siyang mag-release ng isang full-length album.
Bagamat wala pang karagdagang detalye ay ibinahagi ng singer na ‘Kolorcoaster’ ang magiging pamagat nito.
Kasama naman sa full-length album na ito ang pre-released single niya nitong Marso 13 na ‘Bughaw’.
Matatandaang taong 2023 nang huling naglabas ng extended play si Maki na may pamagat na ‘Tanong’.