HINDI mananalo ang oposisyon sa darating na halalan.
Ito ang hayagang sinabi ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte dahil wala aniyang ipinakita sa Pilipinas ang oposisyon.
Ramdam din ni Pangulong Duterte ang tagumpay nito sa darating na halalan dahil sa kawalan din aniya ng kalaban.
Matatandaan na kamakailan lang ay opisyal na tinanggap ng Pangulo ang nominasyon ng PDP-Laban sa kanya na tumakbo sa pagkapangalawang pangulo sa 2022 elections.
Partikular naman na tinukoy na oposisyon ng Pangulo ang Ocho Derecho na una na ring natalo noong 2019 midterm elections.
Pangulong Duterte, muling binanatan si Sen. Gordon
Muling binanatan ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte si Senador Richard Gordon na siyang nangunguna sa imbestigasyon ng Senado sa pandemic spending ng gobyerno.
Sa umpisa ng kanyang taped speech, sinabi ng Pangulo na champion sa talkathon si Gordon.
Pakiusap pa ng Pangulo, huwag nang iboto sa susunod na eleksyon ang mga senador na tatakbo sa 2022 elections.
Payo pa ng Pangulo kay Gordon, magpapayat muna ito dahil nahihilo siya kapag nakikita ang senador.
Matatandaan na halos pitong oras ang iginugol na imbestigasyon ng Senado hinggil sa umano’y overpriced pandemic supplies ng Department of Health (DOH).