Oral arguments sa Anti-Terrorism Act, ipinagpatuloy ng Korte Suprema

IPINAGPATULOY ng Korte Suprema kaninang 2:30 ng hapon ang oral arguments sa 37 petisyon na kumukuwestiyon sa Anti-Terrorism Act, matapos na makailang beses nang ipinagpaliban.

Gayunman, dahil sa nagpapatuloy na pandemya ay idaraos ang oral arguments sa pamamagitan ng video conferencing kaya ang lahat ng Supreme Court justices, mga court personnel, mga counsel at ang mga inimbitahang amicus curiae o friends of the court ay dadalo lamang, gamit ang Zoom platform.

Tatlong abogado ang kakatawan sa bawat petitioner at pitong abogado ang sa Office of the Solicitor General at maaari ring payagang dumalo sa Zoom platform ang national security adviser.

Ang Public Information Office lamang ng Korte Suprema ang pinapayagan sa tuloy-tuloy na live streaming sa YouTube pero ito ay audio feed lamang.

Magugunitang huling nagsagawa ng oral arguments ang Korte Suprema sa Anti-Terror Act noon pang Marso 2, 2021.

(BASAHIN: Anti-Terrorism Act, hindi dapat katakutan ayon ilang mga tagasuporta)

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published.