NAG-adjust na ng oras ng pagpasok sa mga pampublikong paaralan ang Schools Division Office (SDO) ng Navotas bilang pag-iingat sa sobrang init na nararanasan ngayon.
Nabatid na ang pasok ng mga estudyante sa elementary at high school ay magsisimula ng 6 am hanggang 10 am.
2 pm hanggang 6 pm ang pasok ng afternoon shift sa elementary habang 2 pm hanggang 7 pm sa high school.
Mula 10 am hanggang 2 pm ay wala nang estudyante sa mga paaralan lalo na’t ito ang mga oras na naitatala ang tindi ng init ng panahon ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA).
Ipinapaubaya naman ng Schools Division Office ng Navotas sa pamunuan ng mga pribadong paaralan ang pasok ng kanilang mga estudyante dahil fully airconditioned naman ang kanilang mga classroom.