Oras sa pagbubukas sa mga public market sa Pampanga, pinaikli

BABAWASAN na ang oras ng pamimili sa sa mga public market sa Pampanga mula sa araw na ito.

Sinabi ni Pampanga Governor Dennis Pineda na gagawin na lamang mula 6:00 ng umaga hanggang 1:00 ng hapon ang pabubukas ng mga pamilihan.

Sinabi ni Pineda na idinadahilan ng karamihan sa mga nasisita sa lansangan ay ang kanilang pagpunta sa pamilihan.

Dahil dito, inihayag ni Pineda na mas mapapaigting ang pagpapatupad ng enhance community quarantine.

Samanatala, nanantiling tatlo ang kaso ng confirmed COVID 19 patients samantalang 41 PUI sa Pampanga.

Ulat ni: Mhet Sanding-Miñon

Leave a Reply

Your email address will not be published.