Ordinary GCQ sa Metro Manila, suportado ng OCTA

Ordinary GCQ sa Metro Manila, suportado ng OCTA

INIREKOMENDA ng OCTA ang “ordinary” general community quarantine (Ordinary GCQ) dahil sa pagbaba ng mga kaso ng COVID-19 sa Metro Manila ngayong Hunyo 16.

Dahilan ni OCTA Research fellow Dr. Guido David na gumaganda na ang sitwasyon sa NCR.

Nitong Hunyo 10, sinabi ng Malacañang na ikokonsidera ang mas pinababang quarantine restry para sa Metro Manila, Cavite, Laguna, Rizal, at Bulacan, na tinatawag na “NCR Plus Bubble,” dahil sa pag baba ng mga kaso COVID-19 sa lugar.

Ang NCR Plus ngayon ay nasa 27 porsyento ng bagong impeksyon mula June 5 hanggang 11, 2021.

Ipinapakita lamang na malaki ang pagbabago na mula 94%t noong kasagsagan na marami pa ang naitatalang nahahawahan ng virus noong Marso 29 hanggang Abril 4.

Ani David na ang  positivity rate ng Metro Manila ay bumaba ng 8 percent habang ang pagtaas ay nasa 0.72 at ang Hospital Utilization ay nasa “safe level” below 40 percent na naging basehan na rin para suportahan ang ordinary GCQ.

Ayon pa kay Dr. David ang ikinaganda ng ordinary GCQ ay ang sitwasyon na masubukan na magbukas pa ng mga businesses dahil wala pa naman nakikitaan na community transmission sa mga business establishments.

Dagdag pa ni Dr. David na ipinapakita lamang na ang businesses sa NCR ay maingat na sumusunod sa guidelines, na nakatulong upang maagapan ang community transmissions.

SMNI NEWS