Organisadong ‘Kalinisan: Tatag ng Bayan’ Cleanliness Drive ni Pastor Quiboloy, pinuri ng mga taga-Taytay, Rizal

Organisadong ‘Kalinisan: Tatag ng Bayan’ Cleanliness Drive ni Pastor Quiboloy, pinuri ng mga taga-Taytay, Rizal

PINURI ng mga taga- Taytay, Rizal ang organisadong ‘Kalinisan: Tatag ng Bayan’ Cleanliness Drive ni Pastor Apollo C. Quiboloy.

Wala pa ring humpay ang mga volunteer ng Kingdom of Jesus Christ (KOJC), Sonshine Philippines Movement (SPM) at Keepers’ Club International sa kanilang pagtatanim at paglilinis ng kapaligiran matapos ang pagtama ng sunod-sunod na bagyo sa bansa noong nakaraang taon.

Mga pagbaha ang naranasan ng bansa na ayon sa national government ay gawa rin ng hindi tamang pagtatapon ng basura.

Sa pangalawang linggo ng Bagong Taong 2025 sa National Capital Region, isa ang Brgy. San Juan, Taytay Rizal sa mga dinayo ng mga volunteer para sa “Kalinisan: Tatag ng Bayan” Cleanliness Drive na insiyatibo ni Pastor Apollo Quiboloy.

Dala-dala ang mga walis, kalaykay, mga sako ay sinuyod ng mga volunteer ang bawat kalye sa komunidad para sa paglilinis.

Mga plastic, bote, kahoy, styro at mga dahon, ay ilan lang sa mga nagkalat at matiyagang dinampot ng mga volunteer bilang bahagi ng kanilang clean-up drive.

Mga basurang nagiging sanhi ng pagbabara at pagbabaha.

Pagkatapos lamang ng dalawang oras na paglilinis, ay saku-sakong mga basura ang nakolekta, bagay na sinaluduhan at hinangaan ng mga taga-barangay.

Hangad lang ng mga volunteer, maging huwaran ang inisyatibong ito ni Pastor Apollo para sa malinis na kapaligiran.

Ang isa pa sa nakakabilib, ay tila walang kapaguran ang mga volunteer dahil nagawa pang sumayaw pagkatapos ng mahabang oras na paglilinis.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble