Organisadong preemptive evacuation, mahalaga para maiwasan ang casualties sa panahon ng kalamidad –PBBM

Organisadong preemptive evacuation, mahalaga para maiwasan ang casualties sa panahon ng kalamidad –PBBM

BINIGYANG-diin ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang kahalagahan ng preemptive evacuation sa pag-iwas sa mga epekto ng mga sakuna.

Gayunpaman, aminado ang Pangulo na hindi rin masisisi na may mga residenteng tumatangging lumikas dahil nag-aalala sila sa mga ari-arian o kabuhayan na kanilang naiwan.

Subalit hinimok ng Punong Ehekutibo ang mga lokal na opisyal na humanap ng mga paraan upang kumbinsihin ang kanilang mga nasasakupan na magtungo sa evacuation center.

Bukod sa preemptive evacuation, tinalakay rin ni Pangulong Marcos ang mga pamamaraan na magpapagaan sa mga epekto ng mga sakuna gaya ng pagkakaroon din ng forward placement ng mga relief goods at supply ng tubig.

Nitong Martes ng umaga, pinangunahan ni PBBM ang situation briefing kasama ang piling Regional Line Agency directors at local chief executives ng Antique kung saan tinalakay ang epekto ng pananalasa ng Bagyong Paeng.

 

Follow SMNI News on Twitter