Organizers ng Paris Olympics, may pasabog sa ibibigay na medals sa mga atleta

Organizers ng Paris Olympics, may pasabog sa ibibigay na medals sa mga atleta

MAY pasabog ang organizers ng 2024 Paris Olympics at Paralympics kaugnay sa kanilang ibibigay na medals.

Anila, ang hexagon-shaped na iron sa ipapamahagi nilang mahigit limang libo (5, 084) na medals ay kinuha mula sa orihinal na Eiffel Tower na itinayo noong 1889.

Layunin ng pasabog ang mabigyan ang lahat na mananalong atleta ng piraso ng kanilang pinakasikat na tourist spot.

Gaganapin ang Paris Games sa Hulyo 26 hanggang Agosto 11 habang ang paralympics ay sa Agosto 28 hanggang Setyembre 8, 2024.

Sa Pinoy athletes, pasok na sina EJ Obiena, Eumir Marcial, Carlos Yulo, at Aleah Finnegan para iripresenta ang Pilipinas sa Olympics.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble