Orientation sa pagbuo ng transport cooperative, isasagawa ng OTC ngayong buwan ng Pebrero

Orientation sa pagbuo ng transport cooperative, isasagawa ng OTC ngayong buwan ng Pebrero

INANUNSYO ng Office of Transportation Cooperatives (OTC) na magsasagawa sila ng orientation patungkol sa pagbuo ng transport cooperative at PUV Modernization Program (PUVMP) sa buong buwan ng Pebrero.

Ito ay kasunod na rin ng desisyon ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., na i-extend ang industry consolidation deadline hanggang sa Abril.

Ayon sa OTC, nakahanda itong patuloy na umagapay sa mga PUV operator na tutugon sa huling panawagan ng konsolidasyon.

Bukod sa regular na oras mula Lunes hanggang Biyernes, bukas rin aniya ang tanggapan ng OTC sa lahat ng Miyerkules ng Pebrero, mula alas-10 ng umaga hanggang alas-12 ng tanghali.

Ito a upang makapagbigay serbisyo tungkol sa pag-organisa o pagtatayo ng kooperatibang at iba pa.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble