Orihinal na panukalang budget ng OVP, dapat maibalik

Orihinal na panukalang budget ng OVP, dapat maibalik

DAPAT maibalik ang orihinal na ipinapanukalang budget ng Office of the Vice President (OVP) para sa 2025.

Ayon kay Senate President Pro Tempore Jinggoy Estrada, paano aniya makapag-function nang maayos ang OVP kung tatapyasan ang pondo nila.

Dapat din aniyang igalang ang opisina ni Vice President Sara Duterte dahil ito ang ikalawang pinakamataas na opisyal ng bansa at deserved nito ang igalang.

Ang pahayag ni Estrada ay kasunod sa pagtapyas ng mga kongresista sa Kamara ng nasa P1.293-B mula sa P2.037-B na panukalang budget ng OVP.

Katumbas ito ng nasa 63% na kaltas sa panukalang pondo.

Samantala, mahigit 2M Pilipino ang nakabenepisyo sa mga social program na inaalok ng OVP.

Sa datos nila mula 2022 hanggang Agosto 31, 2024, nasa 2,027,164 ang natulungan ng medical, burial, at relief programs ng OVP.

Mula sa naturang bilang, nasa 1.5M ay mga benepisyaryo mula sa 10 satellite offices ng OVP sa Cebu, Tacloban, Davao, Zamboanga, Surigao, Dagupan, Cotabato City, Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM), Isabela, at Bicol Region.

May nagmumula rin sa kanilang extension offices sa Lipa, Batangas at Tondo, Manila.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble