KINANSELA ng Osaka prefecture ang torch relay kasunod ng pagtaas ng kaso ng COVID-19.
Hindi na itinuloy ng Osaka ang olympic torch event nito na naka-iskedyul sa prefecture nito kasunod ng pagtaas ng mga kaso ng COVID-19 na nagdulot sa pagdedeklara ng medical emergency ng gobyerno nito.
Ayon sa mga awtoridad ang virus na ito ay maaaring maging sanhi ng ika-4 na wave ng impeksyon 107 araw bago magsimula ang Tokyo Olympics.
Ayon kay Osaka Governor Hirofumi Yoshimura, ang mga street run ay kakanselahin ang strain ng mas malalang variant ay nagdulot sa pagtaas ng kaso sa nakababatang edad.
Noong mga nakaraang araw ay nalagpasan ng Osaka ang bilang ng mga kaso sa Tokyo na mas malaking syudad kumpara rito.
Sa kabila nito inihayag ni Tokyo governor Yuriko Koike na naghahanda itong mag-rekwes ng kaparehas na hakbang sa kapital na rehiyon.
Samantala, sa vaccination drive ng Japan, tinatayang 1 milyong katao na ang nakatanggap ng unang dosis simula buwan ng Pebrero na malayong bilang naman sa mga bansang may maunlad na ekonomiya.
(BASAHIN: Japan, ilalagay sa priority list ang mga atleta na lalahok sa Tokyo Olympics)