Oscar-winning director Ang Lee at Sony Pictures, gagawa ng biopic ni Bruce Lee

Oscar-winning director Ang Lee at Sony Pictures, gagawa ng biopic ni Bruce Lee

NAKATAKDANG gawan ng Sony Pictures ng biopic o biographical movie ang sikat na martial artist na si Bruce Lee.

Ang Oscar-winning director ng palabas na “Life of Pi” at “Brokeback Mountain” na si Ang Lee ang magiging director ng biopic.

Ang anak naman ni Ang Lee na si Mason ang sinasabing gaganap bilang si “Bruce Lee”.

Ang sikat na martial artist ay namatay noong 1973 sa edad na 32-taong gulang.

Ito’y naging Hollywood actor, director at martial arts expert.

Ilan sa kanyang mga nai-produce na movies ay ang “Fist of Fury”, “Enter The Dragon” at ang “The Way of the Dragon”.

Ang tagumpay na ito ang siyang inspirasyon ni Ang Lee kung bakit ninanais niyang gumawa ng biopic tungkol sa martial artist.

Ayon kay Ang, longtime passion project niya ito.

 

 

Follow SMNI News on Twitter