OSG, muling iginiit na walang hurisdiksyon ang ICC sa Pilipinas

OSG, muling iginiit na walang hurisdiksyon ang ICC sa Pilipinas

NANINDIGAN at muling iginiit ng Office of the Solicitor General (OSG) na walang hurisdiksyon ang International Criminal Court (ICC) sa sitwasyon sa Pilipinas, partikular sa anti-drug campaign.

Gayunman ay kinumpirma ng OSG na naisumite na ng Pilipinas ang komento sa kahilingan ng ICC Prosecutor na maituloy nila ang imbestigasyon sa mga sinasabing crimes against humanity kaugnay sa drug war campaign sa Pilipinas.

Sinabi ni Solicitor General Menardo Guevarra na hiniling ng gobyerno ng Pilipinas na huwag payagan ang hirit ng ICC Prosecutor na ipagpatuloy ang kanilang imbestigasyon sa war on drugs campaign ng ating bansa.

Ipinaliwanag din ng gobyerno sa ICC ang lawak ng problema sa iligal na droga at ang proseso ng pag-imbestiga at pag-usig sa drug cases sa ilalim ng legal at judicial system ng bansa.

Follow SMNI NEWS in Twitter