OSG, naghain ng petition for certiorari laban sa pagkakabasura sa 1 drug case ni De Lima

OSG, naghain ng petition for certiorari laban sa pagkakabasura sa 1 drug case ni De Lima

NAGHAIN ng petition for certiorari ang Office of the Solicitor General (OSG) sa Court of Appeals (CA) laban sa pagkakabasura sa isa sa limang drug cases ni dating Senator Leila de Lima.

Ito ay ang ikalawang drug case ng dating senador na ibinasura ng Muntinlupa Regional Trial Court Branch 204 hinggil sa pamamayagpag ng bentahan ng ilegal na droga sa New Bilibid Prison sa ilalim ng pamumuno noon ni De Lima bilang kalihim ng Department of Justice (DOJ).

At kasama rito sa naturang kaso bilang co-accused ang kaniyang dating bodyguard na si Ronnie Dayan.

Sa inihaing petisyon ng OSG sa CA noong Setyembre 4, ipinunto ni OSG Menardo Guevarra ang ‘ground of grave abuse of discretion amounting to lack or excess jurisdiction on the part of the trial court judge’.

Ibig sabihin, nagkaroon ng error o pagkakamali sa hatol kaya wala itong bisa.

Ito aniya ang dahilan kaya hindi apela ang kanilang inihain kundi isang petition for certiorari.

Simula noong Pebrero 2017 hanggang sa kasalukuyan ay naka-detine pa rin si De Lima sa Camp Crame dahil sa pagkakasangkot sa ilegal na droga.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter

Follow SMNI NEWS on Rumble