Otoridad mula kay PRRD na direktang makabili ng COVID-19 vaccine ang LGUs, pinasalamatan

NAGPAHAYAG ng pasasalamat si Mayor Evelio Leonardia kay Pangulong Rodrigo Duterte dahil sa pagpapahintulot sa local government units (LGUs) na magsagawa ng advance payment para sa pagbili ng suplay ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) vaccine.

“This is definitely a giant leap towards accelerating the implementation of our local vaccination programs,” pahayag ni Leonardia, national president ng League of Cities of the Philippines (LCP).

Sa ilalim ng Presidential Memorandum 51 na nilagdaan ni Pangulong Duterte, binigyan ng otoridad ang city mayors na magsagawa ng advance payment para sa COVID-19 vaccine na nakontrata na ng LGUs.

Ayon kay Leonardia, isa ang Bacolod sa top direct beneficiaries ng otorisasyon na binigay ng pangulo.

Nakakuha ang Bacolod City ng 650,000 dosis mula sa AstraZeneca Pharmaceuticals Philippines Inc. na inaasahang darating sa ikatlong bahagi ng kasalukuyang taon.

“We are very thankful to President Rodrigo Duterte for the timely issuance of Memorandum Order 51 that will allow cities to make advance payments for the procurement of COVID-19 vaccines,” ayon kay Leonardia.

Inihanda na ng lokal na pamahalaan ang 20% advance payment base sa kontrata nito sa AstraZeneca para matiyak ang pagdating ng mga bakuna sa taong ito.

“We make sure the city will settle the payment before the deadline to ensure that we get the delivery of the vaccines starting the third quarter of this year,” dagdag ni Leonardia.

SMNI NEWS