Outbound international travel, tumaas noong Hunyo—Immigration

Outbound international travel, tumaas noong Hunyo—Immigration

MAS mataas ang naitala na outbound international travel noong Hunyo at unang mga araw ng Hulyo ayon sa Bureau of Immigration.

Sinabi ni Immigration Commissioner Norman Tansingco, sa kanilang records, nasa 1,072,651 katao ang lumabas ng Pilipinas nitong Hunyo para magbakasyon.

Kung ikukumpara, nasa 979,720 lang ang umalis sa bansa noong Mayo habang 946,092 noong Abril.

Nakikitang rason ng immigration sa pagdami ng outbound international travel ng mga pamilyang Pilipino ang pagkakaroon ng school break.

Kaugnay nito, ipinaalala ng immigration sa travelers na dumating at magcheck-in tatlong oras bago ang kanilang flight schedules.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble