IPINAGBABAWAL muna ang mga outdoor mass gathering sa La Carlota City, Negros Occidental.
Ayon sa lokal na pamahalaan, partikular na ipinagbabawal ang pagtitipon sa pampublikong plaza at sa oval ng Doña Hortencia Salas Benedicto National High School.
Inirerekomenda ito ng Disaster Risk Reduction and Management Council bilang bahagi ng mga hakbang upang matugunan ang mga isyu sa kaligtasan.
Matatandaang nagkaroon ng ash emissions ang Bulkang Kanlaon noong Abril 14 at 15.