Outgoing AFP chief of staff Gen. Centino, aminado na malaking hamon ang maging Presidential Adviser

Outgoing AFP chief of staff Gen. Centino, aminado na malaking hamon ang maging Presidential Adviser

AMINADO si outgoing Armed Forces of the Philippines (AFP) chief of staff General Andres Centino na malaking hamon para sa kaniya ang maging Adviser on the West Philippine Sea (WPS) upang matutukan ang problema sa WPS.

Ito ang sinabi ni Gen. Andres Centino kaya siya ay inilagay ni Pangulong Marcos bilang Presidential Adviser on The WPS.

Sa pagharap nito sa media, araw ng Huwebes, sinabi ng outgoing AFP chief of staff na ang utos sa kaniya ni Pangulong Marcos ay ayusin ang mga problema at geopolitical issues ng nasabing karagatan.

 “It deals with geopolitical issues that has to be addressed more appropriately, it has to be an Office of the Presidential Adviser,” ayon kay Gen. Andres Centino, Outgoing AFP Chief of Staff.

Dagdag pa ni Centino, ang bagong posisyon niya ay walang kinalaman sa paglipat ng kasundaluhan sa external security operation.

Ito’y dahil hindi pa aniya tapos ang kanilang internal security operation.

“That will be incidental, kasi ang ano naman natin is talagang we have to finish internal security concerns and we once done with that. We have to shift towards more pressing or more urgent concern which is the matter in the West Philippine Sea,” dagdag ni Centino.

Ngunit, nilinaw naman ni Centino na bubuuhin pa ang estraktura ng bagong ahensiya na kaniyang pamumunuan.

Kasama sa pagbuo ay ang pagtukoy kung ano-ano ang mga kinakailangang personahe at kung saan huhugot ng pondo para sa kaniyang opisina.

 “Function will be part of the discussion will do because malaking gagawin pa, it has to be a structure to the office, magkakaroon ng staffing of course magkakaroon ng personnel requirement to man this office that would be needing funding also kung paano natin suportahan ‘yung structured office,” ayon pa kay Centino.

Sa huli, sinabi ng opisyal na magiging malaking hamon para sa kaniya na pamunuan ang bagong tanggapan.

 “Challenging because it’s a news office but with my knowledge on the matter because as a chief of staff, I have also been aware of what’s happening there,” ani Centino.

Samantala, papalit naman sa puwesto bilang bagong chief of staff ng AFP ay si Lieutenant General Romeo Brawner.

Si Brawner ay nanungkulan bilang Commanding General ng Philippine Army.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter