PORMAL nang naglipat ng kapangyarihan sina outgoing Sec. Rolando Bautista at Department of Social Welfare and Development (DSWD) Secretary-designate Erwin Tulfo.
Sa kanyang talumpati ay ibinahagi ni Erwin Tulfo ang una niyang ipatutupad sa kagawaran.
Ito ay ang pag-extend sa mga hindi regular na empleyado ng DSWD.
Gusto naman ng bagong pinuno ng DSWD na itaas pa ang moral ng ahensya.
Kaya naman gagayahin nito ang istilo ni Sen. Bong Go na tututok sa ground.
Isa rin sa ipatutupad ni Tulfo ang pagbuo ng hotline kung saan maaaring makapagsumbong ang taumbayan kung may matanggap na hindi magandang pagtrato mula sa mga opisyal o empleyado ng DSWD.
Prayoridad ni Sec. Tulfo ay ang pag-digitalize ng ahensya pagdating sa pamamahagi ng ayuda alinsunod na rin sa direktiba ni President Bongbong Marcos Jr.