NAKAHANDA na si outgoing Justice Secretary Menardo Guevarra sa pagsisimula niya bilang solicitor general sa papasok na Marcos administration.
Sinabi ni Guevarra na nakaharap na niya ang transition team ng Office of the Solicitor General (OSG) at tinalakay sa briefing ang operasyon sa OSG at paghawak sa mga malalaki at mahahalagang kaso.
Nakasaad sa mandato nito na ang SolGen ang pangunahing abogado at magiging representante ng pamahalaan o sa mga kaso gaya ng pagharap sa mga deliberasyon sa Korte Suprema.
30 legal divisions na pinamumunuan ng bawat assistant solicitor general at ito ay independent o autonomous na tanggapan, bagamat ito ay naka-attach sa Department of Justice.