Outreach program, isinagawa sa mga dating naimpluwensiyahan ng CTG sa Bukidnon

Outreach program, isinagawa sa mga dating naimpluwensiyahan ng CTG sa Bukidnon

PINANGUNAHAN ng Bukidnon Provincial Police Office (BUKPPO) ang paghahatid ng iba’t ibang serbisyo sa mga residente ng Brgy. Kiabo, Malitbog Bukidnon.

Katuwang ang kasundaluhan ng 16th Infantry (Maglilingkod) Battalion kasama ang lokal na pamahalaan ng Malitbog, naglaan ang mga ito ng libreng gupit, libreng medical at dental check-up sa mga benepisyaryo.

Ayon sa PNP at AFP, tugon ito sa matagumpay na programa ng pamahalaan sa ilalim ng EO 70 (NTF ELCAC).

Nabatid na ang Brgy. Kiabo, sa bayan ng Malitbog ay dating itinuturing na NPA conflict-affected area na unti-unti nang lumalaya mula sa kamay ng mga communist terrorist group (CTG) ng CPP-NPA-NDF.

Masaya naman ang mga residente mula sa mga serbisyo, grocery at pag-asang hatid ng pamahalaan para sa kanila.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter