Outstanding policemen sa Region 13, pinarangalan

Outstanding policemen sa Region 13, pinarangalan

PINARANGALAN ang outstanding policemen sa Region 13.

Nakatanggap ng Medalya ng Kagalingan sina PCol. Marco Archinue, PCpt. Charles Evan Gatchalian, PLt. Roque Velmonte, PMSgt. Cipriano Balasico, Jr., PSSgt. Rhayan Mandigma, mga pulis na pawang nakatalaga sa Police Regional Office (PRO)-13 sa Butuan City.

Ito’y sa kanilang ginawang mga campaign against a wanted person na nagresulta sa pagkakahuli ni Wendy Sagay na isa umanong communist terrorist group (CTG) member sa ilalim ng SYP21C, Guerilla Front 21 Company.

Si Sagay ayon sa kapulisan ay isa mga top Butuan City Police target dahil sa kinakaharap nitong mga kaso na multiple murder.

Nahuli si Sagay sa Purok 5, Pianing, Butuan City noong Agosto 23, 2023.

Nakatanggap din naman ng Medalya ng Kagalingan sina PLtCol. Elvie Dedicatoria, PCpl. Raymond Matina-ao, Patrol Royette Rufino, Patrol Jomar Benite, Patrol Junray Namoc dahil sa pagkakahuli kay Jomar Jacinto alyas ‘Johnly’ na isang Militia ng Bayan (MB) member at dating VCO SYP Platoon 7, guerilla front 19, North Eastern Mindanao Regional Committee at may kasong multiple murder.

Si Jacinto ay nahuli sa Purok 2, Poblacion, Lianga, Surigao del Sur noong Agosto 8.

Nakatanggap din ng Medalya ng Kagalingan sina PLtCol. Nathaniel Agatep, PCpt. Joemark Gacosta, PMSgt. Niel Julius Galarion, PSSg. Allan Legaspi.

Sa kanilang ginawang buy-bust operation nitong Agosto 9, sa Millionaires Village, Purok 6A, Brgy. 3, San Francisco, Agusan del Sur na nagresulta pagkakahuli nina Ryan Rojo, Alexis Arman Buron, Renato Dagas, at Regin Enriquez.

Nakumpiska sa kanila ang 11.5087 grams ng shabu at may market value na P78,259, nahaharap sila sa kasong RA 9165 o Comprehensive Dangerous Act of 2002.

Ang grupong ito ay itinuturing ng kapulisan na mga high value individual.

Nakatanggap din naman ng Medalya ng Kagalingan sina, PCpt. Arlan Detablan, PSSgt. Ernie Olvis, PSSgt Ruel Geraldino, PCpl. Ruel Custodio, PCpl Choljie Gumpay, PCP Diomedes Comon, at Patrol Donito Paiao, Jr.

Sa kanilang pagkakahuli kay Julieto Gelsano alyas Andres na isang top 1 most wanted person provincial level sa Purok 5, Brgy. Diaz, San Francisco, Surigao del Norte noong Hulyo 20, 2023 sa kasong rape.

Nakatanggap din ng Medalya ng Kagalingan sina PCpt. Charlon Montero, Pems Alan Vicente Barrios, PSSg Joseph Luzon, PSSg  Von Ryan Querol, PSSg Eriaguel Lazarte, PCpl Joel Lingganay, PCpl Marjune Tayco, PCpl Mervin Mercado, PCpl Ronilo Dahilog.

Sa ginawa nitong campaign against loose firearms sa Purok 4, Sitio Subait, Brgy. Bonifacio, Las Nieves, Agusan del Norte na  nagresulta sa pagkaaresto kay Roland Sanchez at nakuha sa kaniya ang 2 unit ng .38 caliber,  tatlong bala ng caliber .38, tatlong .22 caliber kasama ang tatlong bala ng .22 caliber, barina, homemade gas o PVC gun.

Medalya ng Kagalingan din naman ang natanggap nina PCol. Angel Garcillano, PMaj. Teoson Rosarito, PMaj. Jojo Sabeniano, PLt. Ambrit Rauff Sali, PLt. Jevenson Suyat, PLt. Mohammad Musara, PSSG. Khenny Avila, PCpl. Kelvin Avila, PCpl. Argie Castor, Patrol Aiguiller Traya.

Sa pag-aresto kay Ronie Perez alyas Mario, dating CTG member sa ilalim ng West Guerilla Front 19, SRC Southland NEMRC at top 2 Regional Mobile Force Battalion 13 Priority  Target, nahuli ito noong Agosto 12, 2023 sa Brgy. Diatagon, Lianga, Surigao del Sur.

Kaugnay rito, pinuri ni Ginang Oliva Acorda maybahay ni Chief Philippine National Police (PNP) Benjamin Acorda at PNP Officers Ladies Club ang sakrispisyo at katapatan ng magigiting na kapulisan.

Dagdag pa ni Acorda na maipagmamalaki nito kasama ang buong puwersa ng PNP na ang ahensiya ay pangatlong sa sangay ng gobyerno na may 76% trust rating sa ginawang OCTA Research.

Binigyang-diin ni Acorda na ito’y hindi niya magagawa kung wala ang tulong at ang pagkakaisa ng bawat tauhan ng PNP.

 “I’ve glad to share that according to latest survey of the OCTA Research Group, out of 25 agencies the PNP stand strong as the 3rd highest trust ranking government agency total community satisfaction next to CHED, the Department of Education garnering of 76% trust rate. This is not accomplishment of our PNP chief but kayo na nauulanan, kayo na naaarawan kayo na sumusugal ng buhay every time there’s a call. This remarkable achievement’s serves as a testament of tireless effort of the PNP as a whole,” ayon kay Oliva Acorda, PNP Officers Ladies Club.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter

Follow SMNI NEWS on Rumble