BUMABA na ang kabuuang Healthcare Utilization Rate (HCUR) sa Metro Manila.
Ito ay ilang linggo makalipas ang buwan ng Abril kungsaan pumalo sa 84% ang intensive care unit ( ICU) utilization sa Metro Manila.
Sa tala ng Department of Health (DOH), nasa 50% na lamang ang overall healthcare utilization rate sa rehiyon habang dumarami na rin ang bakanteng ICU.
Kasabay na rin ito ng patuloy na pagbaba ng kaso ng COVID-19 sa National Capital Region at ilang karatig probinsya.
Bunga ito ng ipinatupad na Enhanced Community Quarantine (ECQ) na sinimulan noong Marso dese syte ng taong ito.
Umaasa ang health department na magpapatuloy ang gumagandang sitwasyon sa NCR+.