Overseas travel ban order, ipinatupad kay South Korean Pres. Yoon Suk Yeol

Overseas travel ban order, ipinatupad kay South Korean Pres. Yoon Suk Yeol

PINATAWAN na ng overseas travel ban ng South Korean Justice Ministry ang kanilang pangulong si Yoon Suk Yeol.

Ito’y habang iniimbestigahan ng mga awtoridad ang alegasyon ng rebelyon at iba pa na may kaugnayan sa panandaliang pagdeklara ni Yoon ng Martial Law noong nakaraang linggo.

Depende pa sa imbestigasyon ay maaaring maipa-detain ang pangulo ayon sa justice ministry official.

Sa South Korea, may immunity ang sinumang nakaupong pangulo ng bansa mula sa prosekusyon subalit hindi sakop nito ang alegasyon na may kaugnayan sa rebelyon at pagtataksil.

Sa sitwasyon ng Korean President na si Yoon, may kaugnayan sa rebelyon ang iniimbestigahan ngayon ng mga awtoridad.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble