MAHALAGA para sa Office of the Vice President (OVP) na masiguro ang tamang nutrisyon ng mga kabataang Pilipino.
Sa pamamagitan ng PanSarap Program, umabot sa 1,489,197 na mga buns ang naipamahagi sa mga learners sa buong Pilipinas sa taong 2024.
Kasabay nito ang masusing pagsubaybay ng mga nutritionist upang tiyaking maayos ang kalusugan ng mga benepisyaryo.
Lubos na nagpapasalamat ang OVP sa lahat ng partners at volunteers na naging bahagi ng tagumpay ng PanSarap Program, at sa patuloy na dedikasyon at suporta upang maabot ang mas maraming kabataan sa buong bansa.
Editor’s Note: This article has been sourced from the Office of the Vice President of the Philippines Facebook Page.