OVP at DTI nagsagawa ng financial literacy training para sa mga benepisyaryo ng MTD program

OVP at DTI nagsagawa ng financial literacy training para sa mga benepisyaryo ng MTD program

UPANG mapalakas ang kaalaman sa tamang pamamahala ng negosyo, nagsagawa ng Financial Literacy Training and Awareness ang Office of the Vice President (OVP) at Department of Trade and Industry (DTI) para sa mga benepisyaryo ng Magnegosyo Ta Day (MTD) program nitong March 10, 2025.

Sa pakikipagtulungan ng OVP – Caraga Satellite Office at ng DTI Resource Speaker Ken Fabian, umabot sa 71 na kalahok ang dumalo sa nasabing pagsasanay, na layuning bigyan sila ng kaalaman at epektibong pagpapalago ng kanilang hanapbuhay.

Bukod sa puhunan, mahalagang armas ng isang negosyante ang tamang kaalaman sa pinansyal upang masigurong tuloy-tuloy ang paglago ng kanilang pinagkakakitaan.

Ang pagsasanay ay bahagi ng patuloy na pagsisikap ng OVP na makatulong sa mga Pilipinong nais umangat sa buhay sa pamamagitan ng pagnenegosyo.

 

Editor’s Note: This article has been sourced from the Office of the Vice President of the Philippines Facebook Page.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble